Wednesday, February 25, 2009

Dahil Ikay Mahal- By Jocelyn De guzman


Dahil Ika'y Mahal
March 2000
Aking Mahal nais kong malaman mo na ikaw ang aking buhay
Bakit ba hindi maramdaman ang iyong pagmamahal
Hanggang kelan ako ganito
hanggang kelan ang paghihintay na
masabing mahal mo ako
Hangad ko'y iyong kaligayahan
kaya't kahit masakit tinitignan na lamang
sa isang saglit na hindi ko na makaya
ngumingiti at tumatawa na lamang na parang walang problema
subalit sa loob nito'y isang pasakit na hindi makaya
Isang hiling na kahit isang saglit
Ikay kapiling at ang pagibig mo'y para sa akin
Subalit napakalayo na ikay magkagusto
sapagkat ang tanging alam mo ay kaibigan lang ang turing sayo
pero hindi ito totoo ikay mahal ng higit pa sa inaakala mo
ngunit salamat sa pagmamahal mo kahit pangkaibigan lang
ito'y intindi ko dahil ika'y mahal ko
sanay makatagpo ka ng hindi ka papaluhain
lahat ay tanggap kahit masakit sa akin
sapagkat ika'y mahal ng higit
saan pa man, ikay mahal ng higit pa sa buhay ko

No comments:

Post a Comment